Wednesday, February 25, 2009

Pag Uwi

Pinangarap ko din ang umuwi. Hindi ko na rin mataandaan ang bahay namin. Siguro’y dahil sa ayoko nang maalala ang batang ako. Pero hindi pa rin ako makalimot. Ito’y bahagi na ng buhay ko kahit pa ilang beses ko na gustong kalimutan. Pag uwi ko ay nais ko ng katahimikan. Gusto ko lang titigan ang bawat sulok ng aming bahay. Gusto kong kilalanin ako ng bawat pader bilang bagong ako. Ayokong tingan nila ako bilang alaala ng isang batang minsan nilang nakasama.

Tulad din ng daan na ngayon ay bago na. Ang mga bahay na dadaanan ay di ko na rin kilala. Gusto kong umuwi bilang bagong ako. Gusto kong umuwi ng walang sinasagot na mapagtanong na mga mata o di kaya ay mapanghusgang mga dila.

Pinangarap ko din ang umuwi ngunit hindi pa sa ngayon. Kailangan ko pang buuin ang bagong ako. Tatakbo ang oras habang bumibiyahe. Katumbas din ng dalawang oras na lumipas.. at sa wakas ang inaasam kong pag uwi.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home